Congratulations, Pinoy kickboxers!

Bilang bahagi ng kanyang walang-sawang pagsuporta sa mga atletang Pinoy, sinaluduhan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang husay at galing ng Team Pilipinas matapos mag-uwi ng 16 medalya sa ginanap na Asian Kickboxing Championship sa Phnom Penh, Cambodia.

Ayon kay Senator Tol, kasalukuyang pangulo ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP), ang 16 na medalyang napanalunan ng mga Filipino kickboxers sa regional competition “shows our athletes’ skills, heart, and huge potential in the sports.”

Pinangunahan ni Jovan Medallo ang koponan sa pagsungkit ng dalawang gintong medalya, habang nakakuha sina Hergie Bacyadan, Gina Araos, at Carlo Von Buminaang ng tig-isang gintong medalya.

Binati at inihalimbawa rin ni Senator Tol si Hergie Bacyadan, na nakakuha ng ginto sa women’s 70-kilogram K1 division, dahil sa pagpapakita ng kanyang “versatility” at kahusayan sa apat na magkakaibang combat sports.

Anang abogadong senador, buong pagmamalaking itinaas ni Bacyadan ang watawat ng Pilipinas para sa women’s boxing sa Paris Olympics, at ipinakita ang husay ng mga atletang Pinoy bilang dating world champion sa vovinam, at world silver medalist sa wushu.

“Given sufficient training and support, Filipinos can be very competitive in combat sports, as Hergie Bacyadan has continuously proven,” pahayag ni Senator Tol.

Si Senator Tol ay aktibong sumusuporta sa kickboxing sa buong bansa, kung kaya’t lubos niya itong ipinupursige bilang kategorya ng sport sa nakaraang ginanap na taunang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Games.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *