Quad Comm: Ebidensiya magdidiin kina Bato, Bong Go sa EJK reward system

Sa kabila ng pagtanggi nina Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Christopher ‘Bong’ Go sa mga alegasyon na sangkot sila sa pagpapatupad ng extra judicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwala ang dalawang lider ng House Quad Committee na may sapat na ebidensiya na magdidiin sa kanila sa mga karumal-dumal na pagpatay sa mga drug personalities.

“The evidence so far unearthed in the Quad Comm belies Senators Bato’s and Bong Go’s denials of EJK involvement and existence of the reward system that was public knowledge during the previous administration, particularly in the Philippine National Police (PNP),” sabi ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety.

Sinabi rin ni Fernandez na dalawang testigo – former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager retired Royina Garma at PNP Lt. Col. Jovie Espenido, ang humarap sa pagdinig ng Quad Comm kung saan ibinunyag nila ang reward system para sa mga pulis na papatay ng mga drug suspects.

“The evidence so far unearthed in the Quad Comm belies Senators Bato’s and Bong Go’s denials of EJK involvement and existence of the reward system that was public knowledge during the previous administration, particularly in the Philippine National Police (PNP),” ayon kay Fernandez, na siya ring chairman ng House Committee on Public Order and Safety.

“Not only did it exist; it was managed by higher-ups, meaning by Malacañang (Duterte administration),” aniya.

Samantala, sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, lider ng Quad Com at chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, mismong si Espenido ang nagsabing bilyong pisong halaga ang dumaan sa kamay ni Bong Go na pabuyang ipinamahagi sa mga pulis na nagpatupad ng extra judicial killings na nanggaling diumano sa jueteng at iba pang uri ng pasugal, intelligence funds, small town lottery operations at Philippine offshore gambling operators (POGO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *