Vlogger: Pagbisita ni Digong, Bong Go sa Iglesia ni Cristo, kaduda-duda

Sa kanyang ipinost na vlog, kinuwestiyon ng social media personality na si TapWan ang timing ng pagbisita nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher ‘Bong’ Go sa punong tanggapan ng Iglesia ni Cristo (INC) kung saan nakaharap nila si INC Executive Minister Eduardo Manalo.

“Parang alam na niya (Rodrigo Duterte) na mayroong mangyayaring pagbubulgar sa House of Representatives noong October 10 kaya sinabayan niya ng pagbisita dito sa Iglesia ni Cristo (INC),” ayon kay TapWan.

“’Yan naman ay normal lang. Ang pagbisita kasi nga lang, ‘yun timing ng mga Duterte naging kuwestiyunable ngayon dahil alam natin na samu’t saring kontrobersiya ang kanilang kinahaharap,” aniya.

Mismong si Bong Go ang nag-post sa kanyang Facebook page ang ginawa nilang pagbisita ni Digong kay Edurado Manalo noong Oktubre 10 na nataon sa pagbubulgar ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager retired Police Col. Royina Garma ang pagkakasangkot diumano ng dating Pangulo at ng senador sa extra judicial killings sa kasagsagan ng pagpapatupad ng “war on drugs.”

Sa pagdinig ng House Quad Committee nitong nakaraang linggo, sinabi ni Garma na si Digong pa mismo ang nag-atas sa kanilang grupo na hanapin ang isang pulis na miyembro ng INC upang pamunuan ang operasyon laban sa mga pinaghihinilaang drug personalities sa ilalim ng tinaguriang “Davao model.”

“Ang tanong: Tutulungan kaya sila ng Iglesia ni Cristo dahil sa mga kinahaharap nilang problema?” ani TapWan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *